Halos magkasabay kaming lumaki ni Bitoy. Kami rin halos ang laging magkalaro. Palibhasa'y ako ang panganay na apo in both my mother's and father's sides. Hindi katulad ng ibang mga bata, wala akong nakakalarong mga pinsan na pwede nang makipaghabulan o makipagtaguan kaya. Buti na lang at nasa bahay namin si Bitoy.
Matangkad si Bitoy. Malaking bulas kung ikukumpara sa mga kaedad niya. Siguro, namana niya sa tatay niya yung height niya. Madalang ngang may pumupuntang bata sa bakuran namin para makipaglaro. Natatakot kasi sa kanya.
Isang umaga noong 1989 nang matagpuan siyang isa nang malamig na bangkay sa silong ng bahay namin. Nilason daw, yun ang sapantaha ng tatay ko. Medyo marami na rin kasi siyang nakagat sa puwet kaya siguro marami na ring may maitim na balak sa kanya.
Ang kakatwa, isang taga-kanto ang pumunta sa bahay namin noong umagang yun at hinihingi si Bitoy para yata ipampulutan. Paano niya nalaman e di naman namin ipinamalita na namatay na si Bitoy? Nahalata tuloy siya na directly involved siya sa krimen. Lekat siya! Kung uso lang nung 1989, malamang nasabihan ko siya ng pakyu!
Dalawang dekada na rin palang wala si Bitoy sa amin. Sana ay masaya siya kung saan man siya naroroon ngayon. Sana ay 'wag niyang aawayin sina Dingding, Putol, at Blackie (iba pang mga dating aso namin na kung hindi nasagasaan o nawala ay basta natagpuan na lamang naming patay).
No comments:
Post a Comment