The Philippines is a nation of idiosyncratic people. Umamin ka. Napakarami nating mga idiosyncracies na mismong tayong mga Pinoy eh nahihirapang intindihin. Sa sobrang dami nga nung mga yun, baka hindi tayo matapos kaya magfocus na lang tayo sa isa.
Lagi kong naririnig yung one-liner na masarap ang bawal. Iba ang ibig sabihin nito sa mga taong berde ang isip. Kadalasan din, nagagamit itong excuse ng mga taong alam na ngang mali pero ginagawa pa rin. Basta ang alam ko, doing what is forbidden or prohibited is a sheer manifestation of one's disciplinary destitute.
HIndi nyo ba napapansin? Kung saan may nakalagay na Bawal Magtapon ng Basura Dito, dun naman nakatambak yung basura. Pag dumaan ka sa may nakasulat na Bawal Umihi Dito, dun naman mapanghi. Mag-observe ka sa No Loading and Unloading Zone, for sure na may nakaparadang PUV dun.
Ang mga Pilipino talaga! Pag naman napunta sa ibang bansa, sobrang obedient. Makakain na nga lang kesa ma-stress ako.
No comments:
Post a Comment