Halimbawang gamit: Ako ay ngarag sapagkat malapit nang mag-lapse ang aking incomplete grade sa School Administration, tambak na ang lesson plans na dapat kong i-check, gagawa pa ako ng tatlong final term examinations, at kailangan ko pang gumawa ng dalawang researches para hindi ulit ma-incomplete sa mga subjects na in-enroll ko.
Monday, September 28, 2009
Word for the Day
Ngarag (pang-uri) - salitang tumutukoy sa matinding pagkapagod ng isipan dahil sa dami ng trabahong dapat gawin subalit hindi naman masimulan.
Halimbawang gamit: Ako ay ngarag sapagkat malapit nang mag-lapse ang aking incomplete grade sa School Administration, tambak na ang lesson plans na dapat kong i-check, gagawa pa ako ng tatlong final term examinations, at kailangan ko pang gumawa ng dalawang researches para hindi ulit ma-incomplete sa mga subjects na in-enroll ko.
Tongue Misdemeanor
One of the few similarities between AU and CLSU is that the names of both schools are often mispronounced. I have been commuting to and fro San Antonio and CLSU for almost a decade now. Napakadalas na may nakakasakay akong estudyante na kung hindi sa Araullo bababa eh sa CLSU. It was not just once that I have heard a student saying /si-ley-shu/ or /si-el-es-shu/ for CLSU /si-el-es-yu/ or /o-rol-yo/ for Araullo /a-rawl-lyo/.
So, ano ang social significance nito? Wala. Napansin ko lang.
Labels:
Araullo University,
AU,
Central Luzon State University,
CLSU
Thursday, September 24, 2009
Knowing When To and When Not To
The Philippines is a nation of idiosyncratic people. Umamin ka. Napakarami nating mga idiosyncracies na mismong tayong mga Pinoy eh nahihirapang intindihin. Sa sobrang dami nga nung mga yun, baka hindi tayo matapos kaya magfocus na lang tayo sa isa.
Lagi kong naririnig yung one-liner na masarap ang bawal. Iba ang ibig sabihin nito sa mga taong berde ang isip. Kadalasan din, nagagamit itong excuse ng mga taong alam na ngang mali pero ginagawa pa rin. Basta ang alam ko, doing what is forbidden or prohibited is a sheer manifestation of one's disciplinary destitute.
HIndi nyo ba napapansin? Kung saan may nakalagay na Bawal Magtapon ng Basura Dito, dun naman nakatambak yung basura. Pag dumaan ka sa may nakasulat na Bawal Umihi Dito, dun naman mapanghi. Mag-observe ka sa No Loading and Unloading Zone, for sure na may nakaparadang PUV dun.
Ang mga Pilipino talaga! Pag naman napunta sa ibang bansa, sobrang obedient. Makakain na nga lang kesa ma-stress ako.
Project in Developmental Reading II
For the whole class, produce a soft-bound copy of Phil-IRI materials, to wit:
a. Testing Manual
b. Forms
c. Teacher's Copy
d. Assessment Tools for Pupils
The deadline for submission will be on 09 October 2009, til 5 in the afternoon.
Wednesday, September 23, 2009
To A Lost One
Halos magkasabay kaming lumaki ni Bitoy. Kami rin halos ang laging magkalaro. Palibhasa'y ako ang panganay na apo in both my mother's and father's sides. Hindi katulad ng ibang mga bata, wala akong nakakalarong mga pinsan na pwede nang makipaghabulan o makipagtaguan kaya. Buti na lang at nasa bahay namin si Bitoy.
Matangkad si Bitoy. Malaking bulas kung ikukumpara sa mga kaedad niya. Siguro, namana niya sa tatay niya yung height niya. Madalang ngang may pumupuntang bata sa bakuran namin para makipaglaro. Natatakot kasi sa kanya.
Isang umaga noong 1989 nang matagpuan siyang isa nang malamig na bangkay sa silong ng bahay namin. Nilason daw, yun ang sapantaha ng tatay ko. Medyo marami na rin kasi siyang nakagat sa puwet kaya siguro marami na ring may maitim na balak sa kanya.
Ang kakatwa, isang taga-kanto ang pumunta sa bahay namin noong umagang yun at hinihingi si Bitoy para yata ipampulutan. Paano niya nalaman e di naman namin ipinamalita na namatay na si Bitoy? Nahalata tuloy siya na directly involved siya sa krimen. Lekat siya! Kung uso lang nung 1989, malamang nasabihan ko siya ng pakyu!
Dalawang dekada na rin palang wala si Bitoy sa amin. Sana ay masaya siya kung saan man siya naroroon ngayon. Sana ay 'wag niyang aawayin sina Dingding, Putol, at Blackie (iba pang mga dating aso namin na kung hindi nasagasaan o nawala ay basta natagpuan na lamang naming patay).
Subscribe to:
Posts (Atom)